Si Bonifacio Manggaring Sr., 65 taong gulang na lolo, residente ng Barangay Lonos sa bayang ito ang nagreport sa pulisya noong Pebrero 10, taong kasalukuyan na ni-rape diumano ni Jerusalem Soul Mayor, 36 taong gulang, may asawa at tubong Naga City ang kanyang apo na si Joy(hindi tunay na pangalan), isang 17 anyos na babae. Nangyari diumano ang naturang insidente sa Sitio Casayu- gan, Barangay Bagacay sa bayang ito noong Nobyembre 2, 3 at 4, 2000.
Ayon sa nakarating na report sa Romblon Today, tinakot pa diumano ng suspek ang biktima na papatayin nito ang kanyang mga magulang sakaling siya ay magsumbong sa pulisya bago ito halayin.
Kaagad namang umaksiyon si PO3 Nicolas Molo, imbestigador ng kaso matapos ma-mediko legal ang biktima na kaagad naman binabana ng Warrant of Arrest ang suspek noong Pebrero 13. Ngayon ay nakakulong ang nabanggit na suspek sa Provincial Jail matapos arestuhin nina PO3 Navallasca at PO3 Gadon.