TATLONG MAGKAKAPATID      PINAGTATAGA NG ITAK
                       Ni Darwin Bernardo

Noong ika-12 ng Marso mga dakong alas onse y media ng gabi ng taong kasalukuyan, tatlong magkakapatid na Madeja na nagngangalang Adriano Jr., Adriatico at Christopher ang pinagtataga ng itak.
Ayon sa nakalap na ulat ng Romblon Today, papalabas na sa "Good Guys" beerhouse ang nabanggit na magkapatid nang ang bunsong si Adriatico ay bigla na lamang nasuntok ng hindi nakilalang lalaki, agad namang tumulong ang dalawa nitong mga kapatid, subalit may mga kasama rin pala itong apat pa na may dala pang itak ang isa kung kaya sila ay pinagtataga noon din, mabuti na lamang at hindi sila napuruhan.
Si Christopher ay nagtamo ng tama sa kaliwang kamay, habang si Adriano Jr. ay may dalawang sugat sa kanang kamay at ang isa naman ay sa kaliwa. Kaagad din naman itong idinala sa ospital, putok lamang sa kaliwang kilay si Adriatico bunga ng pagkasuntok sa kanya dahil himalang nakailag ito sa mga taga sa kanya. Ayon pa sa salaysay ni Adriano ang nakakatanda sa dalawang magkakapatid, wala diumano silang maisip na motibo kung ano ang dahilan bakit silang magkakapatid ay gustong patayin. Maaring kursunada lamang sila at ang mga ito ay naka-shabu. Hindi rin diumano nila kakilala ang mga taong kanilang nakalaban subalit mamumukhaan sakaling makitang muli.
Ayon naman sa ginawang imbistigation ng Romblon Today sa ilang mga nakasaksi, napag-alaman na ang mga suspek ay nagtratrabaho sa isang sasakyang pangdagat na may pangalan "Express Island". Mabilis na nakatakas ang mga ito at hindi na rin inabutan ng mga pulis ang nasabing sasakyan dahil mabilis na lumaho na parang bula ang mga ito sa pier.
back to Top Stories