NOT ALL MORAL IS LEGAL

San Fernando, Romblon - Ito marahil ang magiging batayan ng mga kina-uukulan kung bakit ayaw ipagamit ang mga kumpiskadong kahoy na nasa larawan upang mayari lamang ang tulay sa Sitio Cross Country, Barangay Espana. Totoo lang kapaki-pakinabang ang tulay na ito sa humigit kumulang na 30 pamilya, ngunit gusto lang malaman ng mga taga DENR at bantay kalikasan (BAKAL) kung ang lahat ng 3,154 bd. ft. ay naubos sa pag-gamit ng tulay.
Saludo kami sa inisyatibo ni Barangay Chairwoman Ludilyn R. Montojo at nagagampanan niya ang mga pangunahing pambayang proyekto, ngunit napag-alaman ng Romblon Today na kompeskado pala ang mga kahoy na ito ayon sa report noong Feb. 10, 2001 ni SPO4 Agustin Ramal, chief of police sa bayang ito. Diumano ay ilegal daw ang pagkakaputol ng mga naturang kahoy at ito ay nakaw mula sa MT GUITING-GUITING National Park.
Ganoon pa man, hinahangaan pa rin namin ang pagiging alerto ng mga kawani ng DENR, NIPAP, PASU, at BAKAL at aktibo na sila ngayon. Subalit sa ngalan ng kaunlaran ng isang lugar at tila makatarungan din naman na gamitin ang mga kahoy kaysa mabulok na lamang ng tuluyan ang mga ito.
Kung tutuusin nga, kung ang "illegal loggers" ang pag-uusapan, ayon sa report na nakalap ng RT, sa Sitio Kabitangahan pala ay halos araw ay may mga pumuputol na mga tao riyan na halos kadalasan ay pang haliging poste ng isang bahay, paki-check nga ang mga ito kina-uukulan?
back to Top Stories