NEUTRALIZER
     MALULUTAS NA ANG MGA REMITTANCE NG MGA                                     SSS MEMBERS
                                Ni Tony Rey

Isang napakalaking tulong sa mga SSS members lalo na dito sa isla ng Sibuyan ang ginawang hakbang ni Meyor Nick Ramos ng Cajidiocan, ang maayos at epektibong pagpapadala ng kanilang remittances.
Nagiging napakalaking problema ng bawat SSS member ang pahuhulog ng kanilang remittances dahil ang Rural Bank ng Cajidiocan ay hindi pa nabigyan ng kaukulang pahintulot ng SSS main office ng tumanggap ng mga SSS remittances. Ang natatanging paraan ng kanilang paghulog ay ang pumunta personal sa PNB sa Romblon o sa opisina mismo ng SSS sa Odiongan. Pwede rin sana ang bumili ng Money Order forms sa post office sa halagang nararapat na ihulog subalit, madalas at hindi miminsan na nauubusan ng Money Order forms, at nagkakaroon nga ng stock pero mga matataas naman na denomination ang mayroon.
Maraming mga mamamayan ang nakinabang na sa biyayang naidulot ng SSS. At napakarami na ngayon ang tumatanggap ng pensiyon. Ito'y kasintulad ng anumang uri ng paseguruhan na sa mumunting hulog ng buwanan  o tigtatlong buwanang hulog, ang kapalit pag dumating na sa takdang gulang ay habang buhay na pensiyon.
Sa napakababang halaga ng premyom na hulog sa SSS, malayong kakayaning bayaran ng sinumang mamamayan na may maliit na pinagkukunan ng ikabubuhay. Marahil maiisip ng iba na sa pagdaan ng panahon marami ang perang dumaan sa kanilang palad ngunit sa pagtanda nila, wala silang natatanggap na gantimpala sa kanilang pagsusumikap na mabuhay. Ang kasabihang "pag may itinamin may aanihin" ay sadyang napakaliwanag ang pakahulugan. Mga magsasaka, karpintero, mangingisda, nagtitinda, katulong ay kaya-kayang mag-ipon sa loob ng isang buwan para ihulog sa SSS. Makalipas ang tatlong taong tuloy-tuloy na hulog ay pwede kang umutang mismo sa SSS. At pagdating ng animnapung taong gulang kung hindi na kayang maghanapbuhay, pensiyon ang darating buwan-buwan sa halagang ikaw ay sadyang maginhawa ang pamumuhay.
Kung kaya't minabuti ni G. Angel Robis, presidente ng Marble Bank dito sa Cajidiocan na humingi ng pahintulot sa SSS main office upang sila ay pwedeng tumanggap ng mga remittances ng SSS members. Sa ganitong paraan hindi na mahihirapan ang mga SSS members dito sa Isla ng Sibuyan sa paghulog ng kanilang SSS contributions at tiyak na dadami pa ang mga magmi-miyembro. Ayon kay G. Robis hindi matapos ang taong ito ng 2001, ang Marble Bank ng Cajidiocan ay pwede ng tumanggap ng SSS remittances.
back to Editorials