ELECTION PROTEST SA                  MAGDIWANG
                           Ni Suico R. Romero

Magdiwang, Romblon - Natapos na ang nakaraang halalan sa bayang nabanggit, ngunit may isang reklamo ng pandaraya diumano na nangyari sa Vice Mayoralty contest sa pagitan nina Vice Mayor-elect Alberto Regala at SBM Rogelio Merida.
"Ako at ang aking anak ay hindi papayag sa ginawang pandaraya sa amin noong nakaraang eleksiyon", ito ang mariing salita ni Ginoong Haudini Merida, ama ni Rogelio "Pangging" Merida na dating barangay chairman sa barangay Ipil. Lumamang lamang si Regala ng 37 boto, samantalang sa tally sheets diumano ay kahina-hinala ang ginawang mani-obrahan dahil nag-brown out pa noong gabi sa bilangan. Ang mga lugar na nakitaan ng mga discrepancies sa bilang ay ang ilang presinto sa mga barangay Tampayan, Dulangan, Ambulong, Ipil, at Agutay. Sa barangay Agutay diumano, ayon sa ipinahayag ni Barangay Chairman Regidor "Reging" Fajilan, ay isang balot box ang nawawala na kung saan ay abante si Merida sa nasabing barangay.
Sinabi pa ng mga Merida na kahit nai-proklama na si Regala bilang vice mayor ng Magdiwang, itutuloy din nila ang kanilang protesta. "Ilalaban ko ang paghamak sa karapatan ng mga taong bumoto sa akin", dagdag pa ng matandang Merida.
back to Top Stories