NAGSALITA ANG ROMELCO

Nagbigay ng personal na pahayag ang presidente ng Board of Directors ng ROMELCO na si G. Vic Romero ng kapanayamin ng Romblon Today hingil sa bilihan ng dalawang Gen Sets na pinasinayaan sa San Fernando noong Marso taong kasalukuyan.
Mariin na itinanggi ni Romero na wala siyang alam na anumang ikasisira ng kanilang kompanya tungkol sa nasabing transakyon. "Kung mayroon mang iniingatan ako walang iba kung hindi ang pangalan ko", dagdag pa niya.
Napag-alaman tuloy ng RT na mayroong approved loan ang ROMELCO na 57 - milyon sa Development Bank of the Philippines(DBP) para sa mini hydro plant sa Sibuyan, sa totoo lang nakahanda na ang P1-milyong initial ng DBP, patunay na ang nabanggit na loan ay plantsado na.
Ipinaliwanag rin ng opisyal ehikotibo ng ROMELCO na hindi nagawang makapagserbisyo ng 24-oras dahil na "stock-up" ang dalawang Gen Sets sa Batangas dahil naiwanan ng barko at naabirya pa ang trucking nito, isa pa kontrolado ang ROMELCO ng NAPOCOR sa power distribution. Kung anumang dahilan ang mahalaga diumano ay nakakapag-papanood na ang mga Sibuyanon ng mga pananghalian palabas sa TV.
"Sana naman ay tuloy-tuloy na ang ganitong pagseserbisyo sa mamamayan", ayon sa isang residente.
(Suico Romero)
back to Top Stories