EDITORYAL
SALAMAT LALO KAMING SUMISIKAT

Ilang mga kandidato ang matapos mahubaran ng maskara ay tumatayo ngayon sa mga entablado at patuloy na namumulitika. Nililigaw nila ang tunay na isyu sa masa at nililinlang ang bayan sa pamamagitan ng paratang na kasinungalingan daw ang isinusulat ng Romblon Today. Ang taong bayan, matapos makita ang tunay na anyo ng mga trapo at mamulat sa katotohanan ay nagtatanong. Bakit hindi sagutin ng mga kinauukulan ang lahat ng mag isyung saklaw ay pangkalahatang interes at hindi personal dahil ang lahat ng isyung inilalabas ay may kinalaman sa interes ng mga maliliit na nakakarami.
Kasinungalingan ba ang hindi pagdaong noon ng MBRS ng barkong Mary the Queen sa pinakamahal na pantalan sa buong mundo na walang takot na iniulat pabor sa maraming pinahirapang pasahero sa isla ng Sibuyan, pagbubunyag ng mga ilegal na pagpuputol ng mga kahoy at pangwawasak ng ating mga karagatan dahil sa ilegal na dinamita, kakapusan ng mga programang pangkabuhayan, pagkakanlong sa abusadong Aleman, labis na pagpapakita ng kayamanan ng mga gahamang pulitiko sa gitna ng naghihirap na mga Romblomanon at iba pang mga isyung mahalaga at may basehan na tumatalakay sa kapakanan ng mahihirap na ayon sa ibang pananaw ay kasinungalingan.
Ang taong bayan ay nakakita pa nga ng kakampi at tagapagtanggol na walang takot na nagpapahayag ng malaya ay makatotohanan...naliwanagan sila!
Nagpapasalamat din ang pamunuan ng pahayagang ito sa libreng kampanya na huwag ipaboto ang mga kandidato sa Romblon Today. Ito ay libreng propaganda tiyak na hindi susundin ng mga botante dahil ang laban ng Romblon Today ay laban din nila. Pinaniniwalaan nila ito at matagal na nilang niyakap ang lahat ng mga prinsipyong naglilingkod sa interes ng masa.
Lalong pinasisikat ang mga kandidato sa Romblon Today, lalo na si Cyril T. Mayor, editor ng bayan na kandidato pagka-konsehal sa Cajidiocan na hindi pinaboboto ng mga trapo.
Maraming salamat lalo kaming sumusikat.
back to Top Stories