Computer age na tayo, pero alam n'yo bang maraming barangay sa Romblon, Romblon ang wala pang serbisyo ng kuryente? Opo, ang ginagamit nilang ilaw sa gabi ay ilawang de-gas o mga hasag o lente. Mabuti kung maliwanag ang buwan.
Kaya po, ating tinatawagan ang pamunuan ng National Electrification Administration (NEA) at ang mga electric cooperatives sa Romblon . . . mangyaring paglingkuran naman natin ang ating kawawang mga kababayan.
Napakahalaga ng elektrisida sa pag-unlad. Ngunit maraming barangay ang wala nito sa aming lalawigan sa Romblon. Ayaw nating magturo ng daliri para isisi sa ating mga lokal na opisyal doon.
Ang sa atin ay panawagan at pakisuyo na sana po'y madaliin natin ang serbisyo ng kuryente. Nais ng mga bata at mga magulang na makasunod at makaagapay sa napakabils na hagibis ng kumunikasyon sa teknolohiya, pero paano nila ito magagawa kung walang elektrisidad, walang mga public telephone lines, at iba pang pangunahing serbisyo kailangang-kailangan pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan, pang-agrikultura at pang-industriya ng pinakamamahal naming Romblon