Nilusob ng Romblon Patrol Mobile Group (RPMG) ang isang grupong pinaghihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nasa Bgy. Tumingad, Odiongan, Romblon mga alas-sais ng umaga (6:00 AM) noong ika-9 ng Oktobre 2001, sa may boundery ng Sitios Buliganay at Canlumay ng nasabing barangay, kung saan ito ay napabalitang bibisitahin ni Gobernador Eleandro Jesus F. Madrona ng araw na yon. Alas kuatro y media ng umaga, may natanggap nang "intelligence report" ang RPMG na may anim diumanong armadong kalalakihan sa naturang lugar. Maaaring balak salubungin ng mga rebelde ang pagdating ng butuhing Gobernador, ayon sa isang residente na ayaw magpakilala.
Nang madinig ng mga miyembro ng RPMG ang nabanggit na grupo ay nasa barangay Tumingad, kaagad na pinuntahan ito ng RPMG at nagkaroon ng isang madaliang encounter sa harap ng bahay nina Mabini Gan at Mayonito Furto. Ang palitan ng putok ay tumagal ng tatlong hanggang limang minuto.
Ayon sa nakasaksi, ang grupo ng mga rebelde ay pinamumunuan nina Kumander Leon at Kumander Toto na ayon sa kanila, ay madalas dumaan sa naturang lugar. Malalakas na calibre ng baril diumano ang gamit ng mga NPA kung kaya ay humingi kaagad ng tulong ang 7 miyembro ng RPMG sa PNP Odiongan.
Subalit huli na nang dumating ang mga ito. Paano kami reresponde kaagad, iilan lang kami kasama na ang aming hepe, ang isa wala pa ito ang nanginginig na sagot ng isang pulis nang tanungin ng kanyang kasama.
Matapos ang naganap na enkuwentro, na wala namang nasugatan o napabalitang namatay sa panig ng rebelde, narecover ng mga tumutugis na RPMG ang isang kulay itim na duyan na gawa sa naylon at mga assorted cloths na pagmamay-ari diumano ng mga resedente sa naturang barangay.
Isa ang tinamaan sa mga pulis na ayaw ipabanggit ang kanyang pangalan at may patak diumano ng dugo ang lugar na dinaanan ng mga NPA patungong bundok