BID NAGKAMALI SA PAGDAMPOT SA ALEMAN
Ni Cyril T. Mayor

Parang nagkamali ang isang Immigration Official na si BID Agent Chito Arabejo ng ito ay pumunta sa bayan ng Cajidiocan, Romblon para damputin at kaladkarin ang isang aleman na si Oliver Weseman at dalhin sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Office ng nasabing tanggapan sa isang diumano'y paratang na reklamo ng ama nito na si Karl Weseman.
Napag alaman ng Romblon Today na noong Mayo 31, 2001, bandang alas dies ng umaga, si Arabejo na may dalawang kasamang lalaki ay pumasok sa bahay ni Ginang Bambi Banzon, negosyante ng nabanggit na bayan upang tanungin diumano si Oliver Weseman kung ang kanyang pasaporte (passport) ay maayos pa. Nang ito ay ipakita ni Oliver sa nasabing ImmigrationOfficer, ang huli ay walang nakitang depekto sa papeles ng Aleman, may dumating na mga kalalakihan na kinabibilangan ng alkalde ng bayan na si Ginoong Nicasio M. Ramos at iba pa, at ito ay nakialam at kanyang inutusan diumano ang Immigration Officer na dalhin si Oliver sa tanggapan nila sa Maynila at doon na ito imbestigahan.
Nang si Oliver ay hindi sumama sa nga tauhan ng Immigration Officer, siya ay kinaladkad, tinadyakan at binatukan ng mga tauhan ng alkalde, pati na ang kabiyak nito na umaawat sa mga kalalakihan na nananakit sa kanyang asawa at nakatikim din ng sampal at batok sa ulo.
Ayon sa salaysay ni Oliver, ang biktima, siya ay tinali sa isang sulok ng barko (MV Camille) mula Ambulong Port hanggang Batangas City, na hindi nakakain, ihi at makapagdumi sa loob ng mahigit isang araw. Siya ay nakaposas din ng dalhin ito mula Batangas City hangang Manila, ayon sa Aleman.
Kung ating matatandaan, may isang Aleman din na nagngangalang Stephen Persche sa Cambijang beach, Cajidiocan, Romblon ang pinitisyon ng mahigit na isang libong residente sa nabanggit na bayan at karatig pook at ito ay nakasalang sa Bureau of Immigration and Deportation (BID), subalit habang sinusulat ang balitang ito, ang naturang kaso ay pending pa rin sa sala ni Atty. Tuban, ang hearing Officer, sa hindi pa malamang kadahilanan.
Samantala sinabi ni Weseman, ang biktima, kasalukuyang nakapit ngayon sa Bureau of Immigration's jail kay Arnold Erediano ng People's Tonight na siya ay dinampot ng walang warrant of arrest at ang lahat ng kanyang pera at pasaporte ay kinuha ng kanyang abogado, si Atty. Jerry D. Banares.
Sinabi pa nito na wala siyang linabag na immigration law, inalok siya ng BI na pumayag na itong kumuha ng voluntary deportation sa German Embassy.
Subalit, hindi niya ito ginawa sapagkat kung tatanggapin niya ang naturang alok ay nangangahulugang diumano ito na pag-amin sa fabricated charges at magiging grounds for detention.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Weseman:
"I was illegally kidnapped by BID Agent Chito Arabejo and also illegally imprisoned without any warrant of arrest signed by a judge."
"I did not violate any immigration law and there is also no criminal or civil offense filed in any court.
"Now the BID wants me to pay my ticket home and sign my deportation order? I am innocent, why should I deport myself? For that would be equal to appeal to guilty.
"Not I but the BID violated several laws and my basic human rights and I will sue them for all the damages they cause me at an international court. This is quite difficult after agreeing a voluntary deportation.
"I demand my unconditional release and then I want to meet the Republic of the Philippines in the court where they will have to take the responsibility for their violation againts me and others and our human right".
back to headlines