PAYO NI DAMOYAS
Ang Talimbabayas ay mabuting tao
Dear Damoyas,
Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng payo tungkol sa aking Mr. na nahuhumaling sa "Text". Mula ng siya ay magkaroon ng Cell Phone ay lagi ko na lang siyang nakikitang nag-tetext. Kung minsan ay hindi mo na makausap o kung makipag-usap naman sa iyo ay parang wala sa loob dahil text parin ang kinukutingting. Minsan nagising ako ng madaling araw ay nakita ko siyang nag-iisa sa sala at nag-tetext, ano kaya ang dapat kung gawin sa asawa kong ito, hindi naman ako tinuturuan magtext.
Dear Mrs. Abu-redo,
Hindi lang sa probensiya uso iyang "Text" at mula ng maging uso yan ay marami ng tao ang naperhuwesyo, pero marami rin namang tulong ang naidulot ng text o cell phone, lalo na sa mga negosyante. Ngunit marami na ring bahay ang nawasak ng text na iyan, maging babae o lalaki man. Dito sa Maynila, marami nang estudyante ang nabiktima ng text-text na iyan kaya kung may anak kayong lalaki o babae na nag-aaral dito sa Maynila, huwag na huwag ninyong bigyan ng cell phone.
Kaya hindi kayo tinuturuan mag text marahil ng Mr. ninyo ay dahil baka matuklasan ninyo na ang kanyang ka-text ay bebot, kaya kung minsan siguro ay natutulala ang mister ninyo dahil iyan ay nag "mi-mental telepathy" sa isang text-luv o friend niya dahil siguro at matagal sumagot sa kanyang text call. Putulan mo kaya iyang mister mo ng load at tingnan natin kung maka text pa iyan.
Babae lang naman siguro ang tine-text niyan.