TSISMOSONG DIARISTA MULING ISASAKDAL

Nakatakdang kasuhan ni PO1 Dennis Magracia ng kasong Libel at Grave Oral Defamation si Jun Bernardo, publisher at ang kasamahang si Suico Romero, editor in-chief at "erotic storyteller (alyas Suico Mantiko ng Ang Katawan Ko ay Langit Mo) kapwa ng pahayagang Romblon Text dahil sa walang habas at malisyosong pagsasalaysay ng mga "unverified at unsubstantiated reports" laban sa naturang alagad ng batas. Maatatandaang si G. Bernardo (walang relasyon sa Bading na aktor na si Bernardo Bernardo) ay nakulong sa salang libelo, dahil daw sa walang kapararakang pagsasam-bulat ng mga nakakagulat na balita. Napag alaman ng si PO1 Dennis Magracia ang nautusang ipatupad ang utos ng hukuman o batas ayon sa direksyon ng kanyang superior na dakpin at ikulong si Bernardo. At kaya lamang nakalabas si Bernardo ay dahil rin sa awa ng mag kakilala at kaibigan, kung kaya siya ay tinulungang makalaya ni Cyril Mayor, dating editor ng pahayagang ito at ngayon ay nagtratrabaho na sa Supreme Court.
Ayon pa kay PO1 Magracia, hindi niya akalaing pepersonalin siya ni Bernardo ng ganoon lamang. Lawful performance of duty naman ang ginawa ni PO1 Magracia sa pagserbe ng warrant of arrest laban kay G. Jun Bernardo dahil kami ay fraternal brothers. Maging ang totoong pangalan ng mga alleged rape victims" na dumadalaw diumano kay PO1 Magracia sa presinto ay walang awang pinangalandakan sa kanilang pahayagan. Ayon pa sa mga nakabasa sa balitang ito ay tila hindi nila naproteksyonan ang pangalan ng mga babaeng ito paano kung di ito totoo? Ayon pa sa ayaw magpabangit ng pangalan ay ito raw ang "style" nila sa "freedom of expression" para kumita lang ang diyaryo at sumikat kahit masira pa ang pangalan ng mga taong di pa napapatunayan ang kasalanan.
Ayon pa sa isang nakabasa (ayaw magpabangit ng pangalan) ay marapat lamang na bigyan ng leksyon ang mga taong kunwari ay "pro-people" pero sarili lang pala ang pinangangalagaan.