Bagong taon, bagong hamon sa ating buhay. May direksiyon ba ang ating lalawigan sa programang pang-kaunlaran?
Napansin ko na puro long-term na project lamang ang programa ng ating lalawigan na hindi pa nasisimulan. Walang short-term project para sa mga mahihirap sa larangan ng pamumuhay. Bakit halos walang short term project ang ating lalawigan. Ito ba ay dahil karamihan sa ating mga kababayan sa Barangay ay kulang sa tiyaga at pagsisikap. Karamihan sa ating mga kababayan ay ningas cogon o instant syndrome.ayaw maghirap o ayaw magpawis. Gusto nilang umutang sa kooperatiba at walang ng bayad-utang. Gustong humingi ng biyaya sa gobyerno na doll-out. Ito po ang katotohanan na namamayani sa sulok ng mga Barangay. Baguhin po natin ang ating kultura at pagpapahalaga sa sarili. magsipag tayo at tayo ay uunlad.
***
Marami tayong lider na mahilig magsalita ngunit kulang sa gawa. Mga lip-service na lider. Ngunit ngayong panahon ay hindi natin kailangan ang mga lider na lip-service, .sa panahon ng kariharapan--kailangan natin ay "action plan", mga programa na magkaroon tayo ng produksiyon o pamumuhay na makasuporta sa ating sarili at pamilya. Kailangan din natin ang "Civic Plan" upang makatulong din tao sa bayan--halimbawa sa larangan ng kalinisan. turuan natin ang ating mga kababayan na magtanim ng gulay at mag-alaga ng hayop. Maglinis tayo sa ating kapaligiran. Tungkol sa sinasabi kong "Action Plan" ay magpapaliwanag ako sa inyo sa susunod na issue ng Romblon Today upang magkaroon ng libangan o trabaho ang ating mga kabataan.
Sobra na ang panloloko ng Odiongan Water District sa pagtaas ng rates ng tubig na P76.00 residential minimum monthly; P111.00 commercial minimum monthly. At pagkatapos ng minimum rates ay doble-doble na. Niloloko na ng OWD ang mga consumers sa buong Odiongan--gaya ng binanggit ko sa aking reklamo na isinampa ko sa Office of the Mayor at sa Sanguniang Bayan sa Committee on Ways and Means. Ang minimum rates sa Metro Manila ay P43.00 lamang buwanan--bagamat ang Maynila Water System ay gumagamit pa ng maraming transmission at malalaking electric motors. Ang presyo ng tubig sa Odiongan ay siyang pinakamataas sa boung daigdig. Sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon ay P30.00 lamang buwanan flat-rate.
Kaya mga kababayan ko, mga consumers humanda na kayong lumagda sa ating Petition na ibalik na ang pamamahala ng tubig sa Munisipyo ng Odiongan.