MAHIWAGANG HOLD-APAN DI PA RIN NARERESOLBA
Matapos ang malagim na insidente noong Oktubre, 2002, magpa hanggang ngayon ang hold-apan sa Odiongan, Romblon ay tila nabinbin at hindi naaaksyunan ng ating butihing prinsipal na si G. Fiorelio Faigao ng Romblon National High School - Romblon. Matatandaan na inutusan ni G. Faigao si Gng. Alicia Ragodon na iwithdraw ang pera mula sa PNB at ideposit sa account ng naturang eskwelahan subali't sa anumang personal na kadahilanan ito ay hindi ideneposito ni Gng. Ragodon bangkus ito diumano ay binitbit sa bahay na kanyang tinitirahan sa bayan ng Odiongan. Makalipas ang mahigit na walong (8) buwan ay hindi pa rin ito naaaksyunan hanggang ang ilang tao na involved dito ay masasayang nagpasasa sa pera ng bayan na para sana sa mga kawawang nating mga guro ng naturang eskwelahan. Halos mag re-shuffle na ang mga kapulisan ng Odiongan kahit ang ating Provincial Director ay napilitan na ngunit ang naturang kaso ay parang bula na nawala at natulog sa kangkungan.
Ano kaya ang nararamdaman ng butihing pricipal na si G. Fiorelio Faigao habang ang kanyang mga nasasakupan ay nalulubog sa kahirapan. Hanggang kailan po kayo magbibingi-bingihan? Paano po ninyo mareresolba ang ganitong problema kung kayo po mismo G. Principal ay tila hindi naaapektuhan sa nangyari. TEACHING IS A NOBLE PROFESSION, pero wala itong saysay kung hindi po ninyo aaksyunan ang kaso na dapat sana noon ninyo pa ginawa. Tinatawagan din natin ng pansin ang ating magigiting na pulis Odiongan at ang bagong hepe na si PS/INSP Gumban na paki-bigyan pansin po ang kasong ito na naganap sa bayan ng Odiongan. Sa book of James 4:17 sabi "anyone then who knows the good he ought to do and doesn't do it, SINS. (LVD)