ROMBLON PROVINCIAL HOSPITAL ADMINISTRATIVE OFFICER NIREREKLAMO NG MGA DOCTOR
Odiongan - Isang administrative officer ng Romblon Provincial Hospital ay nirereklamo ng mga doctor at iba pang kawani ng ospital. Ayon sa aming source na doctor itong administrative officer ng nasabing ospital ay masyadong paki-alamero.
Bakit hindi na lang niya gampanan ang kanyang gawain bilang isang administrative officer. Ayon din sa doctor maraming palpak na pasilidad ang nasabing ospital tulad ng kuna ng mga sanggol sa delivery room ay walang gulong, at wala ring mga bentilasyon ang mga silid ng pasyente na ito pagmumulan ng sakit na pneumonia sana ito na lang ang inaatupag ng administrative officer.
Mayroon din reklamo na hindi niya binibigay ang mga gamot na supply ng pamahalaan lalong lalo na ang mga libreng dextrose, at iba pang gamot na libre galing sa Department of Health. Ayon din sa aming source ginagamit niya ang kuryente ng ospital para sa kanyang freezer na gumagawa ng "yelo" na ipinagbibili pa sa mga pasyente, at ang mga materyales ng ospital ay ginagamit niya sa pagpatayo ng kanyang simbahan, at may pag-aari din ng isang "botika" na malapit sa ospital. Kaya pala wala ng magawa itong administrative officer kundi atupagin ang kanyang sariling kapakanan, sana ay maaksyonan kaagad ito ng ating Gobernador ang mga nangyayari sa Romblon Provincial Hospital.