Nasakote ng mga tauhan ng Sibuyan Maritime Police ang mga pinaghihinalaang ilegal na mangingisda sa Bgy. Espana, San Fernando, Romblon noong ika-14 ng Disyembre 2001 at kaagad na kinumpiska ang dalawang pumpboat at ilang mga kagamitan na ginamit sa nabanggit na ilegal na pangingisda.
Habang nagsasagawa ng pamalagiang pagpatrolya (Seaborne Patrol Operation) sa nasasakupang lugar ng baybaying dagat ng Bgy Espana, San Fernando, Romblon, namataan nina SPO2 Fortunato C.Gamayao, Jr at SPO1 Jesus M. Miralles, nakadestino sa Ambulong Port Maritime Post sa Magdiwang, Romblon ang isang pump boat na hindi gaano ang kalayuan sa kinaroroonan ng mga nabanggit na Fishing Boat Permit Licensed(CFBL), sa halip ang naipakita lamang ay isang Special Permit ng Unlicensed Officer at Certificate of Inspection. Ang mga mangingisda ay inimbitahan sa opisina ng Maritime ng mga pulis pangkaragatan. Ang lulan nito ay nangingisda sa nasasakupan ng Municipal Water ng nabanggit na bayan. Kaagad namang pinuntahan ang naturang sasakyang pandagat upang alamin, at ng kanilang lapitan at napag-alaman nilang isa itong Fishing Boat na may pangalang FB Jerro at Riggo at ang lulan nito ay mangingisda.
Kaagad namang hinila ng mga tauhan ng bangka ang lambat paitaas pagkakita sa mga pulis na mabilis na umakyat matapos magpakilalang mga kagawad ng Maritime Police Mobile Post ng Sibuyan. Hinanap kaagad ng mga pulis ang mga papeles sa mangingisda ngunit itoy walang maipakitang sapat na mga papeles.
Ayon sa mga mangingisda ang fishing boat ay pag-aari ni Rodrigo Lota ng Alcantara, Romblon at pinamamahalaan ni Jose Bucuy, taga Bgy 2 Romblon, Romblon bilang unlicensed boat patron. Si Jermelo Pas naman na taga Alcantara, Romblon ang umaktong unlicensed engineer. Ang 30 kilong isda na nakumpiska sa kanila ay ibinigay sa namamahala ng Municipal Jail ng San Fernando na may kaukulang papeles.