LABU-LABO SA FERROL, 1 PATAY, 1 SUGATAN
Ferrol, Romblon - Mga dakong alas singko ng umaga noong Enero 1, bagong taon, isang saksakan an nagdulot ng pagkatakot na nasaksihan ng mga taong nagsidalo sa isang sayawan habang pinagdiriwang ang pagsalubong sa bagong taon na inabot ng madaling araw sa bayang ito.
Ayon sa sinumpaang salaysay ng isa sa naturang kasangkot sa inihaing kasong frustrated murder sa piskalya sa Odiongan, naglalakad diumano si Donan M. Fabila mula sa bahay ng kanyang ina sa Sitio Lupog-lupog, Bgy. Poblacion nang mapadaan siya sa grupong nag-uumpukan na sina Teddy Prado, Budol Lazaro at Sulpicio Prado, kapwa taga Ferrol at siya ay tinawag na kanya namang pinaunlakan. Subalit labis na ikinabigla ni Fabila ng sinabi ni Teddy na "Nant, ano tibay kon kau hay tistingan naton?" (Nant, are you powerful let's test it?) "Ati lain ran, kung matau; mauli run ako." (That's bad, if so I just go home.), sagot nito. Dagdag pa rin sa salaysay nito, maya-maya pa, sila-sila ng magkakasama ang nagsuntukan (Teddy at Sulficio), pero siya pa rin ang pinuntirya kaya siyang napalo ng bote. Kaagad din niyang nakita siTeddy na papalapit sa kanyang direksyon at may hawak na na itong patalim, subalit nakuha kaagad ito ni Lazaro at saglit pa ay siya naman ang inundayan ng saksak na kanyang nailagan. Dagdag pa nito sa tuwing siya ay akmang sasaksakin, si Teddy ang kanyang kinukublihan na nakaharap din sa kanya habang si Lazaro naman ay nasa likod nito. Habang tuloy ang pananaksak sa kanya, nahawakan na siya ni Teddy kasama ng isang Nestor Prado na katulong sa tangkang pagpatay sa kanya. Mabuti na lamang at biglang dumating sa nabanggit na pangyayari ang kanyang bayaw na si Jim Gelidon na naging dahilan ng paglubay ng kanyang mga kalaban at kaagad na sinugod si Fabila sa Odiongan Provincial Hospital.