Lasing , nag-ala Robin Padilla, kinalaboso
San Agustin, Romblon - Isang nakilalang Ainsley Manzano y Madali alias "Boy Robin", 49 anyos, may asawa pero hindi muslim, istambay at nakatira sa Bgy. Bachawan ng bayang nabanggit ang pinahuli ni Bgy Chairman Manalo Sadiwa ng nabanggit na barangay kina SPO2 Limuel Morada Mijares at PO1 Bobby Minon Fallaria, RPMG-Odiongan noong Disyembre 21, 2001.
Ayon sa report na nakalap ng RT, lasing an lasing diumano si Boy at kahit sinong makasalubong ay tinututukan nito ng hawak niyang cal. 38 S&W snubnose(paltik) na wala ng serial no. Dahil walang magawa ang nabanggit na Kapitan at mga kasama nitong bgy. tanod kung kaya ay nilapitan na lamang nila ang mga nabanggit na mga kagawad ng RMPG.
Si Boy Robin ay wala ng magawa ng bitbitin siya sa harap ng dalawa niyang kasamahan habang ang mga ito ay nag-iinuman dahil wala itong maipakitang permit sa bitbit niyang baril.
Kaagad namang kinasuhan ito ng violation of RA 8295 o Illegal Possession of Firearms.