LIBERTARIAN
by Cyril Tarrosa Mayor
"BANGON ROMBLON"
RADIO PROGRAM, PRO-PEOPLE
Isang makabuluhan at makasaysayan ang pagkikita ng inyong linkod at ang mapagpitagang host/anchor woman ng "Bangong Romblon" - isang sikat na programang pang-masa sa radyo tuwing linggo ang maririnig mula 9:00 - 10:00 ng umaga sa inyong talapihitan, 101.3 FM Radio Natin na may istasyon sa Poctoy, Odiongan, Romblon sa katauhan ni Mrs. Leonora V. Divina na walang sawang tumatalakay ng mga sari - saring isyu ng bayan, makatotohanang balita at impormasyon.
Dahil sa walang sawang suporta dati ng MBRS Lines, Inc., sa pamamagitan ng dating Congressman ng Romblon, Eleandro Jesus F. Madrona, Montenegro Shipping Lines sa pamamagitan ng dating Port Manager "Tikboy" Fernandez ng Odiongan, Atty. Geminiano G. Galicia, Mayor ng San Andres, Mayor Pacifico Ll., Mayor ng Ferrol, Mayor Handy Galisanao ng Alcantara at iba pang naniwala sa demokrasya, mula Enero 3, 1999 hanagang Hunyo 2001, tumagal ang programang ito sa himpapawid.
Subalit bakit hindi na ito napapakinggan ngayon? Ito ang malaking katanungan ng mga masugid na taga- subaybay at tagahanga ni Mrs. Divina na nagtapos sa La Consolacion de Manila at nagturo bilang Professor sa Romblon State College.
Abangan ang isyu ng salot na pribatisasyon sa RADYO NATIN.
*****
Malaking ambag ang ginampanan ng inyong lingkod sa pagkakatatag ng isa pang diaryo sa ating lalawigan, subalit ako ay hindi sumanib. Ginamit ang pangalan ko at mga sinulat na malayang binabasa rin ng aking mga kasamahan at ito ay ipinalabas sa naturang pahayagan na wala akong pahintulot. Kailaman, ang inyong lingkod ay hindi sisirain ang sariling prisipyo't paninindigan. Walang katumbas na pagod, pawis at buhay ang puhunan nito sa Romblon Today.
Sa aking mga kasamahan na nais ding lumago sa pakikibaka, ang binhi ng Romblon Today na dinadala ninyo saan man kayo tumungo, itanim ito upang lalong lumakas ang ating tinig ng masa. Alalahanin palagi na sa anumang labanan, ang ating kahirapan ay bahagi na nito, at minsan, ang kamatayan ay pangkaraniwan na lamang.