DAHIL SA LUBAK-LUBAK NA DAAN PASYENTE NATULUYAN
Ni Yofe F. Masangcay

LOOC, ROMBLON -- Isang kasual na empleyado nf Office of Provincial Veterenarian ang natuluyang namatay habang sakay ng isang Ambulansya patungong Provincial Hospital, sa Odiongan, Romblon dahil sa lubak-lubak na daan patungo sa naturang ospital.
Ang pasyente na ang pangalan ay si Rey Gucci, 23 taong gulang, may asawa at naninirahan sa bayan ng Looc, Romblon, ay dinala sa Odiongan, para doon lalapatan ng kaukulang lunas, dahil sa sakit ng tiyan. Habang binabagtas ng ambulansya ang daan patungong ospital, si Gucci ay nakitang lumigon pa ito sa kanyang pinaglilingkurang "Breeding Station", at ilang sandali ang lumipas, siya ay hindi na umabot ng buhay para gamutin doon dahil sa ang driver ng ambulansya ay hindi makapagpatakbo ng mabilis dahil sa sira-sirang kalsada patungo doon.
Ang kanyang maybahay na lulan din ng nasabing ambulansya, ay umiiyak na nagsasabing, "kung sana maayos ang daan, baka ang asawa ko ay umabot ng ospital at siya ay buhay pa ngayon," ayon pa sa kanya, bakit ganito nalang kasama ang kalye sa ating lalawigan, samantalang mahal naman ang buwis na binabayad naming mga mamamayan sa ating gobyerno."
Ang may bahay ni Gucci ay galit na galit sa ating mga nanunungkulan sa pamahalaan dahil sa kapabayaan ng mga ito sa pagbibigay ng tamang serbisyo sa bayan, bagkos, sila pa nga ang dahilan kung bakit bulok-bulok ang ating mga lansangan." Ito ba ay dahil sa pangungurakot diumano ng mga taong ito habang sila ay nanunungkulan sa bayan? Tanong pa ng maybahay ni Gucci.

back to headlines