MONTENEGRO, TULOY PA RIN ANG SERBISYO SA ROMBLON
Ni Leonora V. Divina
Noong nakaraang taon pa nagsimula ang serbisyo ng Montenegro Shipping Lines, Inc., bilang isa sa mapagkatiwalaang sasakyang pandagat dito sa Odiongan. Subalit dahil sa ilang pagbabago, ito ay pansamantalang tumigil at ngayon ay muli na namang nagbabalik para magbigay serbisyo dito sa lalawigan ng Romblon partikular sa bayan ng Odiongan.
Sa muling pagbibigay serbisyo ng Montenegro Shipping Lines, Inc., sa Romblon at sa bagong pamumuno ng batang-bata na Port Area Manager na si Ginoong Bong Yap-Pamorada, ay sinisira ng isang paratang na ibinabato ng isang pahayagan.
Alinsunod sa mga maling naisulat, ang nabangit na Port Area Manger ng nasabing Shipping Company ay nagbigay ng kanyang kasagutan para ipawalang saysay ang unang nailathala ng Romblon Text Tabloid Magazine.
Ayon kay Pamorda, ang patakaran ng Montenegro ay alisunod sa MARINA, na kapag ang "passenger economy area" ay napuno na, ang ahensiya ng Montenegro Shipping Lines, Inc., ay mapipilitang mag isyu ng DE-LUXE Ticket sa halagang P440.00. Ito ay para mabigyan ng isang komportable at magandang higaan ang mga pasahero sa halip na mag-isyu ang naturang ahensiya ng halagang P250.00 para sa economy na pasahe sa mga pasahero na wala ng mahihigaan o wala ng pwesto.
Ang life jacket ayon pa rin kay Pamorada, para sa ordinary ay nakalagay sa magkatabing tagiliran ng barko. Ang life jacket ng De-luxe o "aircon" ay makikita sa gitna ng nasabing silid. At ang life-trap ay nakalagay sa "last deck ng barko".
Para sa mga nakatanggap diumano ng ticket ng de-luxe sa halagang P440.00 na ibig lumipat sa economy area ay kinakailangang na kausapin ang purser ng barko, ayon pa rin sa butihing port manager.
Para sa mga hindi pa nakakaalam ng schedules ng Montenegro Shipping Lines, Inc, ay ito ang mga sumusunod:
Leave BATANGAS Port Every:
SUNDAY/WEDNESDAY/FRIDAY
Departure Time.............6:00 PM
Arrival Odiongan Port....2:00 AM
Leave ODIONGAN Port Every
Departure Time............5:00 PM
Arrival Odiongan Port....4:30 AM