PANGULONG LANTARAN PA RIN
Kahit mahigpit na ipinagbabawal ang pangulong sa lalawigan ng Romblon alinsunod pa rin sa isang ordinansa na pinapatupad ay lantaran pa rin itong nagagawa sa dagat ng Romblon.
Isang pangulong na BUNDOK PEN na taga Lucena ang malayang nakakapangisda sa bayan ng Corcuera at ayon pa sa mga residente dito, ito diumano ay may permiso mula sa butihing mayor nila na si Mayor Bibiano Fanlo. Sinabi nito sa text message noong Hunyo 27 na ang ginagamit pa diumano na bangka ay ang Bantay Dagat dahil diumano ay nasira ang barko sa sinasakyan ng pangulong na BUNDOK PEN at nabutas yong lambat. Ayon pa sa mensahe na ipinadala sa RT ang operator diumano ng bantay dagat na bangka ay si Peryong Fajiculay.
Sinabi na rin nito na may parte si Mayor dito na dalawang (2) banyera na puro first class na isda at dadalhin diumano ito sa Manila para ipasalubong. Ang masaklap pa ayon sa texter ay ibenenta diumano ang parte ng isang tao na sumama sa bangka. Kaya naman pala hindi masugpo ang elementong katulad nito ay may basabas pala sa itaas. Paano na lang kaya ang kapakanan namin na malilit na mangingisda kung pinahihintulutan ni Mayor ang pangulong sa bayan namin ayon pa rin sa residente ng Corcuera. (LVD)
(close browser to go back)