M/V Princess Colleen naubusan ng tubig sa pasahero isinisi!
Noong mga nakaraang Hulyo 1, taong 2003 habang naglalayag ang barkong Princess Collen ng Shape Ferry Inc. patungong Batangas City galing sa Romblon, Romblon at Odiongan, ay naubusan ng tubig ang nasabing barko sa kalagitnaan ng paglalakbay nito.
Ayon sa ulat, mga bandang alas otso ng gabi matapos maghapunan ang karamihan sa mga pasahero nito ay wala na itong tumutulong tubig sa gripo kahit panghugas sa kamay ay wala. Wala ring naka stock na tubig kahit sa maliit man lang container. Dahilan upang magreklamo ang mga taong lulan ng nasabong barko, ngunit wala namang magawang hakbang o aksyon ang mga opisyales at crew ng naturang sasakyang pangdagat.
Iba-iba naman ang paliwanag ng mga crews na nakausap natin ng tanungin ng nag-uulat na ito kung bakit nawalan ng tubig bandang 8:30 ng gabi. Ayon sa nakasibilyang crew na naka duty sa pilot house na hindi nagpakilalala, "kaya raw diumanao naubos ang tubig dahil ginamit ng mga trucking." Ngunit iba naman ang paliwanag ng mga crew na hindi rin nagpakilala na nakasama ng guard na si SG. COLAS M.O. sinabi ng mga ito na kasalanan na rin diumano ng mga pasahero kung bakit naubusan ng tubig ang barko dahil hindi raw isinara ang gripo sa mga lababo at palikuran nito matapos gamitin. At wala naman daw silang tao para magbantay o tagasara ng mga nakabukas ng gripo.
Dumating ang M/V Princess Colleen ala una y medya sa piyer ng Batangas City ng madaling araw Hulyo 2, 2003, ng walang tubig na maiinom o magamit sa kanilang personal na pangangailangan lalo na mga mga kababaihan. Kaya karamihan sa mga ito ay bumili na lamang ng mineral water sa canteen ng barko upang makapag-toothbrush, ang iba naman sa mga kalalakihan ay nagtiis na lamang. (Malay)