RSC STUDENTS SUMANGGUNISA KONSEHO
June 23, 2003, dumulog ang grupo ng student leaders ng RSC-Odiongan main campus sa konseho ng munisipyo ng Odiongan hinggil pa rin sa di makatwirang pagbayad ng 700.00 sa intenet fee at ang 700.00 sa bawat computer subject.
Alinsunod dito ay pinayuhan ang mga student leaders ng konseho na makipag diyalogo sa kanilang Presidente na si Dra. Idella Formilleza, upang maisaayos ang hindi makatwirang pagbayad ng mga estudyante sa internet fee at computer laboratory.
Matatandaan na sinabi ng SSC Pres. Pedro Taladtad na ang naturang pagpapatupad ng administrasyon ay hindi naipasa o hindi pumasa sa board kung kaya't ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit inobliga ng RSC ang mga estudyante na magbayad ng ganoong halaga. Sa convocation na ginanap noong June 19, 2003 ay sinalungat ni Formilleza ang ginagawa ng mga lider ng mga estudyante at ang mga ito at tinakot na kung ipagpatuloy ang ginagawa ng mga ito at mapipilitan siyang gumamit ng isang paraan bilang pangulo ng naturang eskwelahan. Alinsunod sa convocation ay inihain ni Formilleza ang isang pagbabago sa RSC at ito ang pagbabago sa mga uniporme ng bawat institute, na ayon pa sa mga estudyante ito ay dagdag pabigat na namn sa kanilang magulang.