SP BRIEFS

Umattend si SP Cabrera ng Session noong nakaraang Mayo 19, at inaksiyonan ang resolusyon ng Sangguniang bayan ng San Jose na nangangailangan ng isang mahusay na Chief of Hospital sa San Jose District Hospital sa kanilang bayan.ang inerikomenda niya ay si Dr. Lolong Firmalo at inaprubahan naman ng halos lahat ng kanyang mga kasamahan sa SP at kaagad namang aayusin na diumano ang mga papeles kaugnay sa napipintong appointment ni Firmalo sa Carabao Island. Pero kung sakaling hindi niya tulungan ang mga taga San Jose na kailangan ng doktor ngayon ay baka magtampo ang buong isla ng San Jose. "Kung ako lamang ay hindi halal ng pulitiko ay magsasakripisyo ako matulungan lang  sila. At kung walang aksiyon ang Sanggunian, hahanap na lang ako sa Maynila ng ibang doktor", pahayag ni Cabrera.
Umatend pa rin si Doc kahit ayaw ibigay sa kanya ang kanyang mga nakaraang sahod dahil kailangan pa raw ng approval ni Vice-Governor Fonte. Sinabi ni Cabrera, "bakit pag mga ghost employee ay bigay lang kayo ng bigay ng sahod. Iyon bang tinatawag na 15-30 na empleyado. Kung ako na lang ay palaging pag-iinitan nyo, pagnanalo si Lacson sa pagka-presidente 'yong mga pera na kinuha n'yo magmula sa pinakamataas na opisyal hanggang sa barangay kapitan titiyakin kong ibabalik n'yo yan sa kaban ng bayan. Dagdag pa ni Cabrera bilang reaksyon sa napabalitang bukod sa pinamahagi ng kapitolyo sa cellphones na 70 units ay charged pa rin diumano ang mga cards sa nagdurugong ekonomiya ng romblon. "Ang anak ni Lacson ay best friend ng anak ko at alam na alam ni Lacson na gagawin ko rin ang kayang magagandang programa upang linisin ang graft and corruption". Sumagot si SP Romero, "nananakot ka ba?". "Hindi, bakit gulty ka ba?, ito ang kanilang palitan ng paliwanagan. Si Romero ay handang-handa na sa pagtakbo bilang vice-governador at natitiyak nitong siya ang pipiliin ng administrasyon.
***
Ayon naman sa mga tagahanga ni Vice-Governor Fonte, "Bukon da gali kumpormi si Vice-Gob. kay Madrona", ga-kontra da kung kas-a, kaya lang pag-lasing lang nakakapagsalita."
Si Fonte ay umaani rin sana ng respeto sa kapitolyo dahil sabi nila ay medyo matuwid ito subalit ang hindi nila binibiliban sa kanya ay kung bakit siya sunod-sunoran kay Budoy. "Dahil kaya baka si Fonte ay kinokonsidera rin sa posisyong Gobernador?