BAYAD SA STALL NG PALENGKE KINUKUPIT?
Ni Baracuda Balanquit

Ayon sa isang mataas na opisyal ng Odiongan Market Extension Vendors Association o OMEVA, isang kiosk o stall ang ginagawang palabigasan ng isang market supervisor ng bayan ng Odiongan.
Ating matatandaan, na noong nakaraang taon, ang stall na ito ay hindi ginagamit o pinauupahaan sa mamamayan, dahil ito pala ay nakariserba sa isang kapanalig ng nabanggit na supervisor. Subalit nitong nakaraang mga buwan, ang laking gulat na lamang ng mga lehitimong vendors na ang naturang stall, ay sinasakop na ng isang negosyante na malakas daw ang kapit sa market supervisor.
Ang supervisor na ito, na mahilig daw mag-madyong ay binigay ang puesto sa isang negosyante na si Andromena Robiso ng nasabing bayan, at ito diumano ay nagbibigay ng perang limang daang peso(P500.00) buwan-buwan na binubulsa naman daw ng superisor na ito, ng walang kaukulang resibo ng munisipyo ng Odiongan, sapagkat ito daw ay hindi naman alam ng taga-ingat yaman (Municipal Treasurer) dito.
Ayon sa Pangulo ng OMEVA na si Ginoong Eddie Perez, ang naturang gusali ay gagamitin sana bilang isang tanggapan o opisina nila, subalit sa hindi pa alam na dahilan, sila ay ginawa ngang bodega ni Ginang Andromena Robiso.
back to headlines