ODIONGAN WATER DISTRICT MATAAS MANINGIL?

Odiongan -- Maraming nagreklamong mamamayan sa bayan ng Odiongan dahil  biglaang pagtaas ng singil sa tubig simula sa P46.00 na naging P73.60 ang minimum charge, na wala naman improvement ang kanilang mga services. Ayon din sa mga consumers kaya pala nag resign ang isang Board of Directors dahil sa hindi maganda ang pagpalakad ng nasabing ahensya, an pag-aari pa niya ang lupang pinagkukunan ng tubig sa Barangay Rizal at ito'y hindi pinababayaran. Sinabi rin ng Board of Director na hindi nila nilagdaan ang papeles ng lupa para ipamahagi sa nasabing ahensya at illegal din ang paglipat sa Local Water Utilities Administration (LWUA) galing sa Munisipyo dahil ito ay walang Memorandum of Agreement (MOA). Napag-alaman  din ng Romblon Today na nagbigay ng P5 million sa ahensyang ito si Gobernador Eleandro "Budoy" Madrona para sa pagpapaayos ng mga facilities, at hangang ngayon halos wala daw improvement na nagawa ang Odiongan Water District, lalo na pag-tagulan ang tubig ay hindi safe dahil karamihan sa consumers ay nakakaranas ng pag-tatae dahil sa tubig
back to headlines