KASO LABAN SA AKMASA NAISAMPA!
Ganap ng naisampa ang kaso laban sa AKMASA ni Leonora V. Divina ng SMB- "Samahan ng Mapagmahal sa Bayan Radyo Natin" dahil sa pinaratang siya na sinungaling at ginagamit ng politiko sa programa ng Morning Bords, noong Hunyo 26, 2003, laban sa founder ng AKMASA-Romblon na si G. Kenneth Lee G. de Castro, isa sa nagmamay-ari ng Romblon College. Ang kaso ay Anti-Solicitation (P.D. 1564) isang special law ito na ang katumbas na penalty ay prison correctional na hindi lalampas ng pagkakulong ng anim (6) na taon at ito ay ayon sa Art. 195 ng Revised Penal Code (Anti-Gambling Law) na may I.S. No.03F-17822. Sa certification na ibinigay ng DSWD Regional Director Thelsa Biolena ay sinasabi na ang Alyansa para sa Kinabukasan ng isang Maunlad at Aktibong Masa ng Romblon o AKMASA ay hindi reghistrado sa kanilang ahensiya at hindi ito pinahihintulutan na mag pa raffle, o magpalaro ng lottery card games, bingo social and other game of chance.
Ayon sa Romblon Text ang proceeds o kita nito ay ginagamit diumano sa pondo ng Sulong Romblon na nakalarawan at nailathala noong Hunyo 3-9 na isyu ang larawan ni Dr. Eduardo "Lolong" Firmalo, samantalang ginagawa niya ang medical mission para itaguyod ang Sulong Romblon na si G. De Castro din ang organizer.
"Ang isang tunay na lider ay hindi dapat magturo ng pagsusugal sa mga tao bilang tulong sa kahirapan at pinapalabas pa na ito ay livelihood. Ang organisasyon na tulad nito na kahit ang DSWD ay hindi ito pinahintulutan ay isang mapanglinlang, ito ay inumpisahan ni Mateo, na ngayon ay nasa kulungan at pinagbabayaran na ang kanyang gimawa. Ang hindi maintindihan ay kung bakit ang taong mataas o matataas ang pinag-aralan ay siya pa ang namumuno at nagtuturo na magsugal upang linlangin ang mga kababayan natin na mahihirap sa kanilang layunin na iangat "kuno" ang kanilang kahirapan. Ang sinuman na sumisimpatiya sa gawain ng organisasyon ng AKMASA na ang layunin ay ang mamulitika ay posibling magkaroon ng diskwalipikasyon sa pagtakbo sa anumang posisyon sa probinsiya ng Romblon sa darating na election sa 2004. Dahil ito ay nakasaad sa Omnibus Election Code na nagsasabing ang sinuman na kandidato na kumukuha o umiipon ng "campaign fund" mula sa solicitation or raffle o kahit sa pasayaw ay automatic na madisqualify sa election, ayon pa sa abogado ng IBP-Romblon.
Ang tunay na lider ay hindi mapanglinlang, pero ang taong mapanlinlang na ang layunin ay hatiin ang grupo ng oposisyon ay isang malaking pagkakamali at pananagutan sa taong bayan. Dahil sa kahirapan na hinaharap ng ating mga kababayan sa ngayon ay naghahanap ang ating mga kababayan sa ngayon ng isang tunay na lider na makapagbibgay ng panibagong pag-asa na maiahon sila sa kanilang kahirapan. Subali't ang ginagawa ng mga taong ang intensiyon ay wasakin ang oposisyon ay lalo nyo lang ibabaon sa puitikan dahil sa kasakiman at ang pagmamadaling umupo at palitan ang mga kapareho nila na mapanglinlang din." Ito ang sinabi ni Divina matapos sampahan ng kaso si De castro na inaasahan ding marami pang susunod.
Hindi bobo ang mga taga Romblon, kahit ang mga mamamayan sa ating bukirin ay matatalino at alam na sila ay ginagamit at nililinlang ng mga taong "peke" at nagpapanggap na oposisyon. Ngayon nanam nagpaplano sila na bumuo ng hiwalay na organisasyon sa oposisyon at kakalabanin ang tunay at solidong grupo ng oposisyon na pinagpaguran at pinangunahan na noon ni pa ni SP Dr. Joey Cabrera, ang lone opposition lader at Chairman ng United Opposition Romblon Chapter", dagdag pa nito.
Isang malaking pagkakamali ang gamitin ang grupo ng oposisyon at may mga pakawala diumanao ang grupo ni Firmalo na may basbas ito sa administrasyon mula sa partidong LAKAS-NUCD upang hatiin at wasakin ang oposisyon.
Dahil sa kaso na isinampa ng komentarista sa SMB laban sa founder ng AKMASA, may balita na nakatangap pa ng pananakot si SP Cabrera kay De Castro at nagbanta itong e-strike daw sila sa harap ng ama nitong si Judge Silvino Cabrera na may edad na 84, na kasalukuyan na PLEB Chairman ng Romblon. "Baka hindi nila alam ang kanilang magiging kaaway doon ay ang mg kapitbahay ng matandang Cabrera, dahil ito ay kilalang mapag kawang-gawa."
Sa panayam ng RT Staff kay Judge Cabrera at sinabi na "bakit nya ako idadamay, gayon siya (De Castro) ang gumawa ng criminal act na ito. " Masakit para sa akin na dapat malaman na ng taong bayan at ng ina ni De Castro na kung hindi ko sinanla ang apat kong tindahan ay hindi sana naitayo ang RC,. Dahil malapit sa akin si Juan Musa na tunay na may-ari ng lupa na kinatatayuan ng Romblon College ay kimumbinsi ko siya na ipahiram ang titulo sa mga Guerra kondisyon na kahit anong oras ay makakakuha sila (Musa) ng paninda na kakailanganin nila, at ako ay sumang-ayon dahil sa kaibigan ko si Filimon Guerra at ninong ni Joey kung kayat nagtataka ako kung bakit ganito ang asal ng batang De Castro, ayon pa kay Judge Cabrera.
May nagsabi na si Purificacion Maulion, isa kong malapit na kamag-anak na pahiramin ng mga kahoy at poste at kung anu-ano pa na kakailanganin para lang maitayo ang lumang Romblon College dahil requirement ito sa Development Bank of the Philippines (DBP) dahil itoi ay isasangla.
Sa madaling salita walang Romblon College kung walang Silvino Cabrera, subalit hindi sila nagka-interest na agawin ang RC, ang gusto lang namin ay bigyan ng magandang iskwelahan ang ating mga kabataan.
Sa panayam ng RT kay SP Cabrera sinabi nito na wag kaming kalabanin dahil hindi kami ang iyong kalaban, nirerespeto ko ang lolo mo dahil ninong ko ito. dahil kung buhay lang ito tiyak ko na babastusin ka nito. ang payo ko lang sayo lapitan mo lang si Divina at babae yon, madaling kausapin. Ibaba mo ang iyong pride at makiusap ka na lang at iyon lang ang pag-asa mo na gumaan ang loob nito sa yo. Ang sabi ko nga hindi pa sarado ang kapayapan, 'yan ang sabi ko sayo, kung magagawa mo giyera sa taas lang ng mesa at wag mong personalin ay magtatagumpay ka pa, at subukan mong lumapit sa Diyos para hindi maging magulo ang iyong pamumuhay.