Tumaas ng halos 15 porsyento ang kita ng Philippine Amusement and Gambling Corporation.
Ayon pa sa ulat ni Pagcor Chairman Efraim C. Genuino sa buwan lamang ng Enero ay kumita ang Pagcor ng P1.68 bilyon, tumaas ng 20 porsyento kumpara noong nakaraang taon.
Noong buwan naman ng Pebrero, nakapagtala ang Pagcor ng P1.44 bilyon kita o pagtaas ng 10 porsyento mula sa P1.31 bilyon noong isang taon.
Dahil sa matuling pagtaas ng kita, pinasalamatan ni Chairman Genuino ang mga 10,000 tauhan ng naturang tanggapan.
"Our efforts and reform have produced outstanding results.. However, we will not rest, we will keep on winning to deliver President Arroyo the much needed funds to give our less fortunate brothers, relief from poverty," ani pa ni Genuino.
Ang entertainement giant ay inaasahang makagawa ng P19.1 billion para sa taong 2002. Kumpiyansa rin ang mga opisyal ng Pagcor na malalagpasan pa nila ang nasabing budget.
Sinabi pa ni Genuino ang Pagcor ay hindi lang kontento na panatiliin ang naturang kinita, layunin nilang tumaas ang kita taun-taon dahil sila ang pagkukunan ng pondo ng bagong aprubang Republic Act 9064 na magkakaloob ng cash at iba pang non-monetary incentive sa mga national athletes na magdadala ng karangalan sa bansa tulad ng Olympics at Asean Games bukod pa sa maaring pangangailangan pinansyal ng gobyerno