PAYO NI DAMOYAS

Mrs Scorpio
San Fernando, Romblon

Tungkol sa reklamo mo dito kay Chito Alldan ng DENR na noong March 4, 1996 ay kinunan ka ng pitong libong peso (P7,000.00), March 24, P1,500.00, April 21, P500.00, May 20, 1996 ay P500.00 na may kabuoang halaga na P9,000.00 sa kasunduan na sa loob ng 3 buwan ay makukuha mo sa kanya ang titulo ng inyong lupa diyan as San Fernando, Romblon. Ngunit hanggang ngayon ay walang nangyari at itong si Chito ay hindi na sumasagot sa liham mo.
Alam ninyo ang tao ay dalawang klase lamang, isang manloloko at isang madaling maloko, tulad ng nagsasalamin, isang sira ang mata at sira ang ulo. Kung itong si Chito ay tunay na empleyado ng DENR ay madali nating mabawi ang pera mo, ganito ang gawin mo. Puntahan mo siya sa mismong tanggapan nila at kausapin mo siya ng mahusay at kung wala siya doon ay kausapin mo ang kanyang hepe at ipaliwanang mo ang nangyari, bigyan mo siya ng demand letter na ibalik ang pera mo sa loob ng isang buwan at kung hindi ipadala mo sa amin ang tunay na pangalan ni Chito at kung saan siya nagtratrabaho at address at kung paano nakuha ang pera mo pati na mga testigo at iba pang mga papeles at kami na ang bahalang gumawa ng complaint affidavit at aming isasampa dito sa OMBUDSMAN ang kasong "Estafa" at "administratibo" laban sa mapagsamantalang taong ito. Kung maaari ay tumawag kayo sa aming tanggapan sa 734-5157 ng alas dose ng tanghali upang maliwanagan ng mabuti ang kaso mo.
P1.5 M para sa San Andres
Other Stories
Nagsulat sa RT tinanggal ni SP
Planta ng niyog itatayo sa Odiongan
Dishonorable Kapitan
Too much love will kill you
Cell Site sa Romblon wala pa rin
Tule : Walang aray ngayon
Payo ni Damoyas
Odiongan, new habitat of pawikan
Weathervane
Libertarian
Editorial
Money Talks
Sa Harap ng salamin
Letter
Text UR Messages
Nice vs. Real friends
Summing it up with Nora
PAGCOR umaasenso
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle