"130 M loan, ibalik na lang sa bangko" - Dr. Cabrera
"Kung aasahan natin ang pondo ng kapitolyo para tustusan ang mga proyekto't programa sa PPFP ay baka dumating na magmuli si Hesukristo ay wala pa ring nangyayari. Lubhang kailangan ng humiram ang pamahalaan upang maisakatuparan ang 10-taong planong pangkaunlaran..." Ito ang depensa ng isang pahayagan sa kapitolyo na may petsang Dec. 16, 2002.
"Ang mga Romblomanon ay hindi pumapayag sa pangungutang nila dahil ito ay hindi ginamit sa tamang proyekto dahil wala namang pangkabuhayang programam ang mga tao", ayon kay Dr. Cabrera, Sanguniang Panlalawigan Member ng ikalawang distrito.
"Simple lang naman sana ang hiling ngayong pasko para mawala sa isipan ng mga tao na malaki ang kanilang kinikita sa mga proyektong kanilang mga kinokontrata, ang ibalik na lang nila sa bangko ang P130 M loan tutal mayroon din naman palang darating na pondo si Cong. Ylagan! Bakit hindi sila nag-compare notes, ang alam ng tao ay nagkakaisa sina Congressman at Gobernador?" dagdag pani Doc.
Ang tinutukoy ni Cabrera ay mga programa sa mga pangunahing kalye sa Romblon na malapit nang papundohan ni Congressmana Ylagan sa Committee on Appropriation sa Kongreso matapos irekomenda ito ng Public Works and Highways Committee sa mababang Kapulungan.
Bilang dating gobernador ng Romblon, kabisado ni Ylagan ang mga problema ng ating lalawigan. kaya alam niya ang nararapat gawin sa P130 milyong utang ng ngayon ay ginagastos sa mga pangunahing lansangan. Ngunit ang himutok naman ng maraming mamamayan ay paano naman ang kanilang kabuhayan at paano rin naman ang maraming bayan sa ating lalawigan na hindi naambunan ng napakalaking utang na ito?
Noong siya ay gobernador, ay hindi pumasok sa kanyang ulo ang mangutang kung alanganin ang pondo at ipambili rin lamang ng mga kotse upang makinabang silang mga pultiko.
Samantala patuloy pa rin ang pananahimik ng mabanggit na kogresista sa P130 M loan ng kapitolyo.
"Ang P130M loan ay hindi disimpormasyon at isang black propaganda lamang dahil nagdudumilat ang katotohanan na talagang isinanla na ang lalawigan ng Romblon."
Samantala, maraming nagtatanong sa RT kung saan naman daw galing ang mga bago't magagarang sasakyan ng mga pulitiko na nakikita nilang ginagamit ngayon sa gitna ng laganap na kahirapan. Imbes na sa luho ng mga pulitiko, dapat raw ay sa edukasyon ito ibinahagi, daing ng maraming estudyante sa Romblon State College. Pinuna rin nila ang maraming empleyado sa kapitolyo. Ito raw ay malinaw na ebidensya ng "patronage politics." Akala anila ay wala nang puwang ang ganitong bulok na sistema sa pamahalaan.