Magkapatid na siga kinana si "Kap at Kagawad"

Sta. Maria, Romblon - Nagkaroon ng kasayahan sa Barangay Isidro ng bayang ito para sa preparasyon ng kanilang kapistahan noong Nov.3, 2002. Ganap na 11:30 ng gabi ng biglang sumugod ang magkapatid na siga na sina Renato at Reynante Tadia at biglang nanggulo upang patayin diumano si Kagawad Gregorio na nadoon din sa naturang okasyon. Pagkakita rito ay kaagad na sinugod at akmang sasaksakin ni Reynanate si Kagawad mabuti na lamang at maagap na sinalag ng mesa ng isa pang kagawad na nakilalang si Kag. Marquez na siyang nagligtas sa buhay ni Gregorio. Hindi pa ito nakuntento ay pinagbalingan naman ng anak ni Kagawad na si Noven at kaagad din itong sinugod. Nakita naman ito ng kanilang kapitan na si Kapitan Inot at hinawakan ang damit sa likod ni Reynaante, subalit nagpumiglas makawala hanggang ang nabanggit na kapitan naman ang kanyang sinugod at nasugatan ito sa daliri.
Sinaklolohan din ni Kag. Marquez kasama ang isa pang kagawa Manago ang kanilang kapitan para maagaw ang patalim ni Reynanate, nang maagaw ay kanila itong pinakawalan. Ang magkapatid naman ang nagpatuloy ng gulo. Sinugod din niya ang mga opisyales ng kanilang barangay, mabuti na lamang at naharangan ito ni Bgy. Tanod Oscar David na inundayan kaagad ng saksak ng tatlong beses pero nasangga ito ng batuta ng nabanggit na barangay tanod.
Ayon sa balita, nagsimula ang pagwawala ni Reynante na pamangkin ni Gregorio nang ang asawa na si Celeste Mangzalit nang minsan ay magsumbong si Celeste sa kanyang tiyuhing Kagawad na siya ay binugbog ni Reynante. Pinayuhan naman diumano ng kagawad na hiwalayan na lamang ito o kaya ay humingi ng tulong sa DSWD noong panahon pa ng dating Kapitan Jaime Isidro. Nangako pa si Reynante na hindi na ito mauulit subalit nagsusumbong din si Celeste sa kanyang asawang si Reynante kung ano ang sinasabi ng kanyang tiyuhin na marahil ay siyang pinag-umpisahan ng hindi pag-kakaintindihan na nauwi sa gulo.
Napag-alaman din ng Romblon Today na may dating kaso si Reynante na Murder dahil diumano sa pagpatay kay Domingueto Iloia.
Wala pa ring kasong isinampa ang PNP-Sta. Maria habang sinusulat ang balitang ito.
Other Stories
130M loan, ibalik nalang sa bangko
Globe at Smart darating na sa 2003
Doctor Magalong 'di pa rin kumukupas'
Manggagawa sa Irigasyon nagreklamo
Magastos na X-mas sa Kapitolyo, "abaw"
Weathervane
The Trials and Glory of  Ernesto Ang
Kamalayan ng Bayan
ARRASTRE sa Romblon di naghuhulog sa SSS?
Editoryal
Libertarian - by Cyril Mayor
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Hindi Ako Nagtatago-Mateo
Vice-Versa by Vice-Mayor Molino
Ang Mundo Sa Palibot
Problema sa TIELCO inaksyonan na!
Pampasaherong jeep muntikg naanod ng baha
Summing it up with Nora
Legal Point-by Atty. Rudy Ranion
True Faith- by Rolly MAgracia
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle