MANGGAWA SA IRIGASYON NAG-REKLAMO SA PANGANGALTAS SA MABABANG PASAHOD
Recto, Ferrol - Nagreklamo ang mga maggagawa sa Irrigators Association sa lugar na ito kamakailan kung bakit "mababa na nga raw ang kanilang sahod na P140.00 lamang at wala pa sa minimum wage na P232.00 per day ay kung bakit kinaltasan pa sila ng P20.00" bawat suweldo.
Ayon naman kay barangay Chairman Marcial "Dado" Mesuelo, ang kaltas diumanaong P20.00 ay napagkasunduan na bago pa man magsimula ang pagpa-trabaho sa nabanggit na proyekto dahil ito ay pambayad nila para sa utang ng asosasyon sa National Irrigation Administration (NIA). Kanila lamang pinatrabaho kahit hindi miyembro ng naturang asosasyon ang ilang manggagawa noon "dahil sa hirap ng buhay". Pero si Kap ang sinisisi.