TRUE FAITH
By Rolly Magracia

The True Meaning of Christmas
Brrr...Grabe na talaga ang lamig ng panahon, senyales lamang ng nalalapit na bertday  ng dakilang mananakop (ayon sa tradisyon). Madalas na nating maririnig ang mga himig pamasko na lalong nagpapatingkad sa ating mga emosyon sa mga kapanahunang ito.
Noong bata pa ako ay talagang excited ako sa tuwing sasapit ang  ganitong okasyon. Pero bakit  kung tayo ay nagkaka-edad tayo ay para bang unti-unting nawawala ang kulay ng pasko? Problema ba sa pera? Sa trabaho o kawalan ng trabaho? Sa pamilya? Sa ating mga minamahal  o kaya sa mga taong nagkasala sa atin na di natin mapatawad. Talagang ang mga sitwasyon na ito ay magpapalungkot at magpapatigas sa ating mga puso. Hahayaan ba nating maging hungkag ang ating kapaskuhan? Ano ba talaga ang kailangan natin para tayo ay maging masaya?
Ang pasko ba talaga ay para sa mga bata lamang? Ano ba talaga ang katangian meron ang mga bata na wala sa mga matatanda? Simple lang kaibigan. Ang mga bata ay marunong mag-appreciate ng mga bagay nang walang halong pag-iimbot (wrong motives). Kaya nga pinagpupurihan ni Hesus ang mga bata, ika nga "be childlike not childish".
Pero ano nga ba ang  totoong mensahe ng pasko? Ito ba ay materyalismo? Na kaya may "paskong tuyo" ay sinukat na ang simbolo ng pasko sa mga makalupang pamamaraan? Kaibigan, gusto kong malaman mo na ang "celebrator" sa okasyong ito ay isinilang na walang-wala sa isang makipot , mainit at maamoy na sabsaban. Siguro ay magtataka ka kung bakit ganoon ang pinili niyang lugar. Sa totoo lang...ibig lang ni Jesus na kaya niyang gawin ang lahat...kahit siya ay nagpakahirap (kahit pag-aari niya ang buong sanlibutan ) upang tayo ay makapiling at mailigtas sa nakaambang panganib (Jonh 3:16). Ang panganib na ito ay ang mapawalay tayo sa kanyang dakilang misyon at hindi tayo makasama sa kanyang kaharian magpakailaman (Matthew).
Kaibigan, simple lang ang mensahe ng pasko. Ito ay ang  pag-ibig sa ating puso sa ating kapwa, lalo na sa mga kapos palad, ang pag-bibigayan, ang pag-pakumbaba, ang pagpapatawad at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng personal; at tamang relasyon sa ating Panginoon. Na siyang tangng dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng taon-taong pasko! Sana ang tunay na diwang pasko at manatili sa ating mga puso. Sanay maging mapayapa at maligaya ang ating kapaskuhan.SANA ANG DARATING NA TAON AY SASABAYAN NG ATING PAGBABAGO...Happy New Year!!!
For personal discovery Bible Study please call or text (0916) 4373595

Other Stories
Magkapatid na siga...
130M loan, ibalik nalang sa bangko
Globe at Smart darating na sa 2003
Doctor Magalong 'di pa rin kumukupas'
Manggagawa sa Irigasyon nagreklamo
Magastos na X-mas sa Kapitolyo, "abaw"
Weathervane
The Trials and Glory of  Ernesto Ang
Kamalayan ng Bayan
ARRASTRE sa Romblon di naghuhulog sa SSS?
Editoryal
Libertarian - by Cyril Mayor
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Hindi Ako Nagtatago-Mateo
Vice-Versa by Vice-Mayor Molino
Ang Mundo Sa Palibot
Problema sa TIELCO inaksyonan na!
Pampasaherong jeep muntikg naanod ng baha
Summing it up with Nora
Legal Point-by Atty. Rudy Ranion
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle