ANG MUNDO SA PALIBOT
By Rio Teodosio

Paglalayag sa Karagatan ng Romblon

Patungo doon sa lalawigan ng Romblon ay talagang pinaka hindi inaasahang handog ng taong 2002. Ang kanyang topograpiya ay hindi mapaniwalaang sari-sari at ang kanyang kultura ay kulang na lang sabihing nakapagtataka.
Para sa mga nagmamamahal sa baybayin, ang Romblon ay may ilang daang milya ng maputi at malapilak na dalampasigan na may nakalinyang puno ng niyog at ibat-ibang punong-kahoy, isa na ang piyapi (mangrove).
Dahil sa kanyang nakakalat na mga malalaking isla - Sibuyan, Tablas, Romblon at Tres Islas - halos masasakupan niya ang karagatan sa bahagi ng hilaga ng Kabisayaan na malapit sa Isla ng Panay - ang Romblon ay hindi isang madaling lugar na bigkasin ng ilang kataga. Napapagitnaan ng Masbate sa bahaging silangan, at Mindoro sa bahaging kanluran at Panay at Boracay sa may bandang hilaga, ito'y isa sa mga lalawigan sa kapuluan.
Pinangingibabawan ng mala-lagareng kabukiran- na tinatawag na Mt. Guiting-guiting, ang pagkakaiba ng dakong loob ay pina-lilibutan ng luntiang bukirin, mabatong kabukiran, mayabong na kagubatan at ibat-ibang uri ng halaman na hindi pa kilala sa mga botanista.
Ang ilang bahagi ng Mt. Guiting-guiting ay nagsisilbing epektibong salabid ng kalikasan, na nagproprotekta kung panahon ng bagyo at panglikas na kalamidad.
Ang pangkaragatan topograpiya ay parehong sari-sari. Ito'y nagmumula sa makulay, mababang hanay ng bahora (reef), at nabagbag na mga galiyon at barko na matagal na panahon. Halos ang pumapalibot na karagatan ay may nakatagong yaman, pangkalikasan man o hindi, lalo na sa may bahaging Sibuyan, kaya lang medyo malalalim ang karagatan na nasa 700 talampakan ang lalim. Mayroon talagang higit pa sa paningin sa karagatan ng Romblon.
Pagtatanaw ngayon sa ating lalawigan, ito'y madaling maintindihan kung bakit ang ating probinsiya ay napakagandang kapuluan na natatanaw ng mata. Dahil dito "ako ay naglayag sa ibat-ibang kapuluan mula sa isla ng marmol patungo sa malalagaring kabukiran ng Mt. Guiting-guiting sa Sibuyan at Isla  ng Tablas.
Ang mga sasakyang dagat (pump boat) na aming sinakyan sa paglalayag sa mga kapuluan ay talagang matatag kahit na ang daluyong ng dagat ay patuloy na humahampas ng malakas.
Sa aking pananaw, gano'n din ang personalidad ng mga Romblomanon, matatag at matibay sa harap ng mga krisis na dumarating sa kanilang buhay.
Mabuhay po ang Romblomanon!
Other Stories
Magkapatid na siga...
130M loan, ibalik nalang sa bangko
Globe at Smart darating na sa 2003
Doctor Magalong 'di pa rin kumukupas'
Manggagawa sa Irigasyon nagreklamo
Magastos na X-mas sa Kapitolyo, "abaw"
Weathervane
The Trials and Glory of  Ernesto Ang
Kamalayan ng Bayan
ARRASTRE sa Romblon di naghuhulog sa SSS?
Editoryal
Libertarian - by Cyril Mayor
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Hindi Ako Nagtatago-Mateo
Vice-Versa by Vice-Mayor Molino
Problema sa TIELCO inaksyonan na!
Pampasaherong jeep muntikg naanod ng baha
Summing it up with Nora
Legal Point-by Atty. Rudy Ranion
True Faith- by Rolly MAgracia
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle