Pampasaherong jeep muntik ng inanod ng baha

Brgy. Sawang Romblon, Romblon- Dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan noong umaga ng December 3, 2002, isang pampasaherong jeep na may rutang LUNAS, AGNIPA, RSC, SAWANG, BAYAN at VICE VERSA, ang muntik ng maanod ng baha dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig sa ilog sa Brgy. Sawang.
Ayon sa ulat mga 6:45 ng umaga, habang papatawid ang pampasaherong jeep na may plate no. DWX 639 na minamaneho ng isang nagngangalang Mensol Mangaring, nasa hustong taong gulang at residente ng Brgy. Lunas, Romblon, Romblon ay lakas loob na itinawid ang minamanehong jeep sa rumaragasang malakas na baha sa nabanggit na ilog, kung saan hindi nito natantya ang lalim ng tubig kaya muntik na itong madala ng agos.
Ayon sa mga nakasaksi, laking pasasalamat ng mga nahintakutang pasahero dahil hindi namatay ang makina ng nasabing sasakyan, at agad din itong nahila pabalik sa mababaw na bahagi ng daan sa tulong ni Brgy. Chairman Noel Magallon ng naturang barangay na kaagad itong naglabas ng isang lubid at naitali sa sasakyan at nahila ng kasunod nitong isa ring pampasaherong jeep na minamaneho ni Nestor Maaba ng Brgy. Agpanabat sa tulong din ilang pasahero at mga mamamayanng nakasaksi sa pangyayari.
Isang pasahero naman ang nagngangalang Josephine Marino ng Brgy. Ginablan ang nagpahatid sa isang clinic dahil sa pagtaas ng blood pressure nito sa subrang takot.
(E. Marzonia)
Other Stories
Magkapatid na siga...
130M loan, ibalik nalang sa bangko
Globe at Smart darating na sa 2003
Doctor Magalong 'di pa rin kumukupas'
Manggagawa sa Irigasyon nagreklamo
Magastos na X-mas sa Kapitolyo, "abaw"
Weathervane
The Trials and Glory of  Ernesto Ang
Kamalayan ng Bayan
ARRASTRE sa Romblon di naghuhulog sa SSS?
Editoryal
Libertarian - by Cyril Mayor
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Hindi Ako Nagtatago-Mateo
Vice-Versa by Vice-Mayor Molino
Ang Mundo Sa Palibot
Problema sa TIELCO inaksyonan na!
Summing it up with Nora
Legal Point-by Atty. Rudy Ranion
True Faith- by Rolly MAgracia
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle